Apat patay sa anti-drug ops sa Batasan, QC

By Jay Dones August 22, 2016 - 04:32 AM

 

crime-scene-e1400865926320Apat na hinihinalang drug suspects ang napatay ng mga elemento ng Quezon City Police matapos umanong manlaban ang mga ito sa kasagsagan ng Oplan Tokhang, Linggo ng hapon.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Batasan police chief,  Supt. Lito Patay, naganap ang encounter sa Purok 9, Bgy. Bagong Silangan sa Lungsod ng Quezon dakong alas 4:00 ng hapon.

Nagsasagawa umano ng pagbisita sa tahanan ng isang Marcelo Daa ang mga otoridad nang paputukan umano sila nito at ng kanyang mga kasamahan na humantong sa encounter.

Sa palitan ng putok, napatay ang suspek na si Daa at ang mga kasamahan nitong sina Raffy Gabo,  at isang alyas Jess at alyas Anthony.

Narekober umano sa lugar ng palitan ng putok ang dalawang kalibre .45 at dalawang kalibre .38 baril, mga shabu at paraphernalia sa paggamit ng iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.