36 katao na  sangkot sa massacre ng daan-daang sundalo sa Iraq, binitay

By Jay Dones August 22, 2016 - 12:05 AM

 

hang36 na kalalakihan ang binitay sa bansang Iraq matapos mapatunayang sangkot sa massacre  ng daan-daang sundalo noong 2014.

Ayon sa Iraqi authorities, binitay ang mga kalalakihan sa Nasiriyah Prison sa southern Iraq nitong Linggo matapos patawan ng parusang kamatayan ng Iraqi court noong nakaraang taon.

Noong 2014, dinakip ng Islamic State ang nasa 1,700 mga sundalo nang kanilang makubkob ang bayan ng Tikrit, na siyang bayan na sinilangan ni Saddam Hussein.

Papatakas sana ang mga naturang sundalo mula sa Camp Speicher na isang dating base militar ng Amerika.

Nang maaresto, daan-daang sundalo ang pinatay ng mga ISIS sa pamamagitan ng pagpapadapa sa mga ito sa isang mababaw na hukay at pinagbabaril.

Tinawag ang karumal-dumal na pagpatay bilang ‘Speicher massacre’.

Ang ‘Speicher massacre’ ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpasya ang mga Shiite militia na isang Sunni extremist group sa Iraq upang labanan na rin ang ISIS sa naturang bansa.

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.