Comelec, muling hinimok ang Kongreso na magpasya na ukol sa panukalang postponement ng Brgy at SK elections

By Isa Avendaño-Umali August 21, 2016 - 05:12 PM

File Photo
File Photo

Muling hinimok ng Commission on Elections o Comelec ang Kongreso na ilabas na sa katapusan ng Agosto ang pasya kung ipagpapaliban o hindi ang Barangay at Sangguninang Kabataan o SK polls.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, marapat nang magdesisyon ang Senado at Kamara hinggil sa mga panukalang i-postpone ang halalang pambarangay at SK, dahil depende rito ang paghahanda ng poll body sa nakatakdang botohan.

Ang orihinal na petsa ng Barangay at SK polls ay sa October 31, 2016, subalit patuloy ang paghahain ng mga panukalang huwag munang isagawa ang eleksyon.

Samantala, sinabi ng Comelec na gagamitin ng National Printing Office o NPO ang nalalabing ballot paper na nabili noon para sa May 2016 Presidential elections.

Ang mga natitirang ballot paper ay uubra pang gamitin para naman sa pag-imprenta ng mga balotang laan sa Barangay at SK elections.

Sa ganitong paraan, tinatayang nasa 250 million pesos ang natipid ng Comelec para sa procurement ng mga paper rolls.

Aabot na lamang sa 600 hanggang 800 paper rolls ang kailangan para sa pag-imprenta ng walumpu’t limang milyong balota para sa Barangay at SK elections.

Nakamura rin ang Comelec dahil sa halip na P3.50 kada balota ang singil ng NPO, nagkasundo na raw na P3.00 na lamang ang bawat balota.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.