Katrina Ponce-Enrile kay De Lima: Ipinahiya niya ang ilang politiko, isa doon ang tatay ko

KatrinaIdinaan sa social media ng anak ni dating Senador Juan Ponce-Enrile na si Katrina ang pasaring kay Senadora Leila De Lima, na kasalukuyang kaalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Katrina na tila nakalimutan daw ni De Lima na noong kalihim siya ng Department of Justice ay ipinahiya nito ang ilang mga politiko, kabilang ang kanyang tatay na si JPE.

Si Enrile ay nasampahan ng mga kaso at na-hospital arrest noon dahil sa pagkakadawit sa Pork Barrel scandal.

Bwelta ni Katrina, hindi raw tinantanan ni De Lima ang kanyang ama kahit alam nito na ang mga kasong isinampa laban kay Enrile ay ‘less than forthright.’

Dagdag pa ni Katrina, alam ni De Lima na pineke ng Pork Barrel scam whistleblower na si Benhur Luy ang mga pirma, pero hindi pa rin tumigil ang dating SOJ.

Pinili lamang din umano ni De Lima ang ilang Senador para hayagang i-persecute.

Ayon kay Katrina, wala umano siyang masamang hangad para kay De Lima, subalit ipinaalala nito sa ngayo’y kontrobersyal na Senadora na ginawa rin umano nito ang mga ginagawa ngayon ni Pangulong Duterte, noong siyang kalihim ng DOJ.

Read more...