Kilos protesta kontra hero’s burial ni Marcos, isinagawa kasabay ng Kadayawan Festival sa Davao
Sinabayan ng kilos protesta ng isang grupo ang pagdiriwang ng Kadayawan Festival sa Davao City.
Ito ay para pigilan ang planong paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon sa grupong Konsensya Dabaw, dapat ilibing si Marcos sa Batac, Ilocos Norte at hindi sa sementeryo ng mga bayani.
Umaasa naman si Mags Maglana, isa sa mga convener ng Konsensya Dabaw na magbabago pa ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ginawa ng grupo ang kilos protesta kaninang umaga sa Roxas Avenue kasabay ng 31st Kadayawan Festival.
Giit ng grupo, hindi dapat ituring ang namayapang Marcos na nagpahirap sa libo-libong Filipino bilang isang bayani.
Inaasahan din nila na kokonsultahin muna ni Duterte ang mga biktima ng Martial Law at bibigyan ng karapatan na magdesisyon sa nasabing usapin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.