Yan ang pahayag ni dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa tumitinding word-war sa pagitan nina Presidente Rodrigo Duterte at Senadora Leila De Lima.
Ayon pa kay Aquino, sana’y maglabasan ng pruweba at ebidensya hinggil sa mga alegasyon.
Ani Aquino, nariyan naman ang mga sistema sa batas para panagutin ang may mga sala at malaman ang katotohanan.
Si Aquino at De Lima ay magkaalyado sa Liberal Party.
Noong Aquino administration, si De Lima ang Justice Secretary, hanggang sa tumakbong Senador sa ilalim ng LP ticket noong May 2016 elections.
Sa naunang paratang ni Pangulong Duterte, si De Lima ay sabit daw sa pamamayagpag ng drug trade sa Bilibid noong siya pa ang pinuno ng DOJ.
Bukod din, ang umano’y driver/lover ng dating Kalihim ay siyang bagman din umano nito.