Aquino kay Duterte: “Nangako ako, one year pagbibigyan ko”

By Isa Avendaño-Umali August 21, 2016 - 03:07 PM

Duterte-AquinoKaysa sa maglabas na ng reaksyon o batikusin ang trabaho ng kasalukuyang administrasyon, pagbibigyan muna ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Presidente Rodrigo Duterte.

Sa pagdalo sa pagtitipon para sa 33rd death anniversary sa Manila Memorial Park sa Paranaque City, tumanggi si Aquino na magbigay ng assessment sa pamumuno ni Duterte.

Sa halip, ipinaalala nito sa mga reporter na may pangako siya na pagbibigyan si Presidente Duterte ng isang taon.

Ibig sabihin ay hindi siya maglalabas ng unsolicited advise o kung anumang pahayag lalo’t batid at naiintindihan niya ang hirap ng trabaho ngayon ni Duterte bilang Punong Ehekutibo.

Dagdag ni Aquino, sa loob ng isang taon ay may pagkakataon na si Duterte na masanay sa tungkulin bilang Pangulo.

Mula nang matapos ang termino bilang Presidente, nanahimik na rin si Aquino at ini-enjoy ang pagiging ‘citizen Noynoy.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.