2 magkasunod na bagyo, inaasahang maglandfall sa Japan sa mga susunod na araw

JMA
Larawan mula sa Japan Meteorological Agency

Nakaalerto ngayon ang Japan sa malakas na pag-ulan at landslides dahil sa inaasahang pagtama ng dalawang bagyo sa bansa.

Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), inaasahang magla-landfall ang Typhoon Kompasu na taglay ang hangin na 126 kilometers per hour sa northern Hokkaido island mamayang gabi.

Namataan ang nasabing bagyo sa layong 100 kilometers southeast ng Kamaishi City at ngayon ay nagdudulot na ito ng mga pag-ulan at pagbaha sa Hokkaido.

Samantala, namataan naman ang pangalawang bagyo na pinangalanang ‘Mindulle’ sa 170 kilometers west northwest ng Chichijima island.

Tinatahak nito ang hilagang direksyon na patungo sa Japanase main island ng Honshu.

Taglay din ng Typhoon Mindulle ang hangin na 126 kilometers per hour at inaasahang magla-landfall sa Central Japan malapit sa Tokyo bukas ng umaga.

Sinabi din ng ahensya na mayroon pang isang bagyo na pinangalanang ‘Lionrock’ ang namataan sa Shikoku island ngunit hindi na ito direktang tatama sa Japan.

Read more...