Erap sa mga Filipino: Irespeto ang desisyon ni Duterte ukol sa hero’s burial ni Marcos

By Mariel Cruz August 21, 2016 - 02:35 PM

Joseph-estradaNanawagan si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada sa lahat ng Filipino na mag move-on at irespeto na lamang ang desisyon ni Presidente Rodrigo Duterte na pahintulutang mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Erap, mas makabubuti kung mas pagtutuunan ng pansin ang iba pang problema ng bansa at mag-move on na sa nakaraan.

Sinabi din ng alkalde na nararapat din na igalang ang namayapang dating pangulo ng bansa.

Hindi na dapat aniya nauuwi sa bangayan ang nasabing isyu lalo pa’t ang pinakamataas na opisyal na ng bansa nagdesisyon.

Nabatid na nakatakdang ihimlay ang namayapang Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa September 18.

Una nang ipinag-utos ni Duterte ang preparasyon sa nasabing hero’s burial.

Iginiit ni Duterte na nararapat lamang mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil dati siyang sundalo at pangulo ng bansa.

Noong nakaraang linggo, daan daan indibiduwal na pawang mga anti-Marcos ang nagtungo sa Lapu Lapu Shrine sa Rizal Park upang magsagawa ng kilos protesta kontra sa nasabing hero’s burial.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.