Galvante, babakantihin na ang pwesto bilang LTO chief

By Isa Avendaño-Umali August 21, 2016 - 02:20 PM

galvanteBabakantihin na ni Land Transportation Office o LTO chief Edgar Galvante ang kanyang posisyon sa ahensya.

Ito’y bilang pagsunod sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na simula bukas (August 22) ay bakante na ang lahat ng appointive positions sa pamahalaan.

Sinabi ni Galvante na papasok siya bukas sa LTO upang mag-report at hahakutin ang kanyang mga gamit sa opisina.

Naniniwala naman si Galvante na sa nakatakda niyang pag-alis sa LTO ay hindi maaapektuhan ang operasyon sa ahensya.

Noong July 2016 lamang nagsimula si Galvante bilang pinuno ng LTO, matapos italaga ni Pangulong Duterte.

Bukod kay Galvante, inaasahang lilisan na rin sa pwesto ang iba pang regional directors at assistant regional directors.

Ang deklarasyon ni Presidente Duterte ay bunsod ng kabiguan umano na mapigil ang kurapsyon partikular sa regulatory agencies tulad ng LTO at LTFRB.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.