6 na Pinoy, patay sa sunog sa Riyadh, Saudi Arabia
By Isa Avendaño-Umali August 21, 2016 - 01:50 PM
Patay ang anim na Pilipino, kabilang ang isang buntis, matapos masunog ang isang bahay sa Riyadh, Saudi Arabia.
Sa impormasyon mula kay ACTS-OFW partylist Rep. John Bertiz, naganap ang insidente Sabado ng umaga sa Riyadh.
Natutulog ang mga biktima nang kumalat ang apoy sa buong bahay.
Bukod sa mga namatay, mayroon ding dalawang Pilipino ang sugatan.
Gayunman, hindi pa pinangalanan ang mga biktimang Pinoy.
Sa kasalukyan ay wala pang statement na inilalabas ang Department of Foreign Affairs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.