
Batay sa oil industry, P1.40 hanggang P1.50 ang pagtaas sa halaga ng kada litro ng diesel.
P1.35 hanggang P1.50 naman ang price hike sa bawat litro ng gasolina, habang P1.40 hanggang P1.50 sa dagdag-presyo sa kada litro ng kerosene.
Posibleng ipatupad ang oil price hike bago o sa mismong araw ng Martes.
Nitong mga nakalipas na linggo, nagkaroon na ng price increases sa mga produktong petrolyo dahil sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
MOST READ
LATEST STORIES