Sinampahan na ng deportation case ang 155 dayuhan na naaresto dahil sa iligal na pagtatrabaho sa bansa.
Ang mga dayuhan ay nadakip matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga operatiba ng Bureau of Immigration sa isang tanggapan sa Pasay nuong Lunes.
Nabigo ang mga dayuhan na magpakita ng kaukulang immigration document na sila ay maaring magtrabaho sa bansa.
Ang ilan sa kanila ay nahuli pa habang nagtatrabaho bilang mga call center agent o online gambling operator.
Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Elaine Tan, ang mga dayuhan ay ipinagharap na ng deportation case sa ilalim ng Section 37 ng Philippine Immigration Act. / Ricky Brozas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.