Aabot 130 milyong tao nangangailan ng ayuda ayon kay UN Secretary General Ban Ki-moon

By Rod Lagusad August 21, 2016 - 04:46 AM

Inquirer File Photo

Aabot sa 130 milyong indibidwal sa mundo o kapantay ng ika-sampu sa pinakamataong lugar sa mundo ang umaasa ng tulong.

Sa United Nation General Assembly kaugnay ng World Humanitarian Day, sinabi ni UN Secretary General Ban Ki-moon na napakaraming bilang ng mga tao ang umaasa sa ayuda.

Ayon naman kay UN Deputy Secretary-General Jan Eliasson, ang nasabing araw ay para alalahanin ang mga sakripisyo, ipagdiwang ang “common humanity” at bigyang pugay ang libu-libong mga humanitarian workers sa ibat-ibang panig ng mundo na itinataya ang kanilang buhay para makapaghatid ng tulong.

Dagdag pa ni Eliason, noong nakaraang taon ay umabot sa 109 aid workers ang namatay, 110 ang nasugatan at 68 ang dinukot kung saan karamihan dito ay sa mga bansang Afghanistan, Somalia, South Sudan, Syria at Yemen.

Binigyang diin naman ni UN humanitarian chief Stephen O’Brien na pagpapakita ng mga tao sa buong mundo ng pagkakaisa at gamitin ang boses para maparating sa mga world leaders na gumawa ng aksyon.

Sa nasabing UN General Assembly dumalo sina Arab Idol winner Mohammed Assaf, Game of Thrones actress na si Natalie Dormer, “The Voice” winner Alisan Porter at dating “Hamilton” star na si Leslie Odom Jr. kasama ng daan-daang diplomats at guests para suportahan ang ibat-ibang global efforts para sa pandaigdigang paghihirap na nararanasan.

Itinatag ng General Assembly ang World Humanitarian Day noong taong 2008 para bigyan ng pagkilala ang mga humanitarian aid workers na namatay o nasugatan sa pagtupag ng kanilang trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: UN Secretary General Ban Ki-moon, United Nations, World Humanitarian Day, UN Secretary General Ban Ki-moon, United Nations, World Humanitarian Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.