Concert ng Coldplay sa US, mapapanood via livestream sa Pilipinas

By Rod Lagusad August 21, 2016 - 04:34 AM

Inquirer File Photo

Sa pakikipagtulungan ng Globe Telecom sa concert promoter na MMI Live mapapanood via live stream ang concert ng British Band na Coldplay sa Rose Bowl Stadium sa Pasadena, Los Angeles, California, USA, August 21 oras sa Maynila.

Ang nasabing live streaming ay mapapanood sa #ManilaLovesColdplay sa youtube.com/globeph sa ganap na alas dose ng tanghali dito sa Maynila.

Ang nasabing event ay siguradong magpapataas ng antisipasyon ng mga tagahanga ng Coldplay sa Pilipinas na matagal ng naghihintay sa kumpirmasyon sa usap-usapang show ng British band sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.

Naiulat noong buwan ng Abril na ang MOA Arena ay naka-booked na para sa Coldplay sa November ngunit hindi ito matutuloy.

Sinasabing maaring ang gaganaping live streaming ng concert ng critically acclaimed  at commercially successful na banda ay pahiwatig sa nalalapit na show ng grupo sa Pilipinas.

Hindi nagbigay ng komento ang head ng MMI Live na si Rhiza Pascua kung kailan nakatakda ang concert ng banda sa bansa.

Kaugnay dito naiulat na maaring ganapin sa Abril sa susunod na taon ang concert ng Coldplay.

 

TAGS: Coldplay, SM Mall of Asia Arena, Coldplay, SM Mall of Asia Arena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.