Relasyon ni de Lima sa driver: Sasagutin ko yan sa tamang panahon

By Chona Yu, Den Macaranas August 20, 2016 - 02:44 PM

De-Lima-Duterte-620x426
Inquirer file photo

Inamin ni Sen. Leila de Lima na natatakot na sa kanyang seguridad ang dati niyang driver-bodyguard na si Ronnie Dayan na nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na lover ng mambabatas.

Sa ipinatawag niyang presscon sa Quezon City ay sinabi ni de Lima na ilang araw lamang ang nakalilipas ay tumawag sa kanya di Dayan dahil may ilang mga kalalakihan umano ang namataang umaaligid sa kanilang bahay sa Urbiztondo,  Pangasinan.

Magugunitang sinabi ni Duterte na si Dayan ang bagman ni de Lima at kumokolekta ng pera sa ilang drug lords bilang bahagi ng pondo na ginamit ng mambabatas noong panahon ng eleksyon.

Kanina ay ipinaliwanag ni de Lima na noong 2015 pa umalis sa kanya ang dating driver na si Dayan.

Hindi naman direktang sinagot ni de Lima kung totoo ba o hindi na may relasyon sila ng dating driver-bodyguard at sasagutin daw niya ang naturang isyu sa tamang panahon.

Sa ngayon ay mas apektado daw siya sa mga isyung nag-uugnay sa kanya sa iligal na droga kesa sa pagkaka-link niya sa kanyang dating tsuper.

Dagdag pa ni de Lima, may impormasyon daw silang nakuha na posibleng iugnay si Dayan sa iba pang mga kaso na pwedeng maging dahilan ng kanyang kamatayan.

Pinag-iingat na rin ng mambabatas ang mga taong malapit sa kanya dahil sa posibilidad na maging target rin sila ng character assassination na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon.

TAGS: dayan, de lima, duterte, Illegal Drugs, lover, dayan, de lima, duterte, Illegal Drugs, lover

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.