Ika-77th birthday ni FPJ ginunita sa Manila North Cemetery

FPJ
Photo: Chona Yu

Dumagsa sa Manila North Cemetery ang mga tagahanga, kaibigan at ang pamilya ni Fernando Poe Jr. para sa kanyang 77th birthday.

Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Grace Poe na walang balak ang kanilang pamilya na ipilit na ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ng tinaguriang “Hari ng Pelikulang Pilipino”.

Ipinaliwanag ni Poe na mas madaling mapupuntahan ng kanyang mga tagahangan ang libingan ni FPJ kung mananatili ito sa Manila North Cemetery.

Bukod pa dito na doon din nakalibing ang mga magulang ni Poe.

Hindi rin umano isyu kung hindi bigyan ng pagkilala ng estado ang dating actor.

Sinabi naman ng aktres na si Susan Roces na hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang pagmamahal ng mga tagahanga ni FPJ kahit na saan siya magpunta.

Read more...