Purisima, Napeñas, at 8 iba pa, pinakakasuhan ng Ombudsman

Inquirer file photo

Pinakakasuhan ng Ombudsman si dating PNP Chief Alan Purisima, dating PNP Special Action Force Chief Director Getulio Napeñas at siyam na iba pang police officers kaugnay ng naging papel nila sa palpak na Mamasapano operation.

Ayon kay Ombudsman spokesman Asryman Rafanan, inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang rekomendasyon ng Special panel ng field investigators na kasuhan sina Purisima, Napeñas at mga police officers.

Nahaharap ang mga ito sa mga kasong administratibo at kriminal kaugnay ng operasyon sa Mamasapano na nagresulta sa pagkamatay ng 44 SAF commandos.

Kakasuhan din sina Purisima, Napeñas at Chief Supt. Fernando Mendez Jr. ng kasong grave misconduct at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

May hiwalay namang kaso si Purisima na usurpation of official functions sa ilalim ng Revised Penal Code. Ang mga iba pang pinakakasuhan ay sina Chief. Supt. Noli Taliño, Sr. Supt. Richard dela Rosa, Sr. Supt. Edgar Monsalve, Sr. Supt. Abraham Abayari, Sr. Supt. Raymond Train, Sr. Supt. Michael John Mangahas, Sr. Supt. Rey Ariño at Sr. Insp. Recaredo Marasigan./ Len Montaño 

 

Read more...