Ogie Alcasid handa ng iwanan ang liderato ng OPM

By Den Macaranas August 20, 2016 - 11:09 AM

ogie-alcasid
Inquirer file photo

Bababa na bilang pinuno ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) si Ogie Alcasid.

Sinabi ng singer-actor-composer na si Alcasid na masyado nang mahaba ang anim na taon niyang pamumuno sa nasabing non-profit organization.

Mas gusto umano niyang magkaroon ng mas mahabang oras sa kanyang pamilya.

Nauna nang lumutang ang pangalan ni ng mister ni Karylle na si Yael Yuzon ng grupong Spongecola na posibleng humalili kay Alcasid.

Sa buwan ng Disyembre nakatakda ang susunod na eleksyon para sa mga opisyal ng OPM.

Umapela rin ng tulong sa kasalukuyang pamahalaan si Alcasid para sa proteksyon ng mga local na composers at mang-aawit sa bansa.

TAGS: ogie alcasid, opm, yael yuzon, ogie alcasid, opm, yael yuzon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.