U.N envoy pupunta sa Pilipinas para imbestigahan ang mga kaso ng EJK
Magpupunta sa Pilipinas si United Nations Special Rapporteur on Summary Execution Agnes Callamard.
Kasunod na rin ito ng hamon ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na magtungo sa Pilipinas ang U.N envoy kasunod na rin ng batikos nito sa kampanya ng pamahalaan sa ilegal na droga.
Sa kanyang twitter account, sinabi ni Callamard na welcome sa kanya ang imbitasyon na imbestigahan ang nangyayaring pagpatay sa mga drug suspects sa Pilipinas.
“Invitation to investigate welcomed. ready to ‘see for myself”, ayon sa tweet ni Callamard.
Nauna dito ay umapela si Callamard sa Duterte administration na tigilan na ang pamamaslang sa mga hinihinalang tulak at adik sa droga at iba pang uri ng extra judicial killings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.