Alicia Keys at Miley Cyrus bagong mga coaches sa The Voice Season 11

By Rod Lagusad August 20, 2016 - 05:35 AM
variety.com Miley Cyrus Alicia Keys The Voice

Pinakabagong coaches sina Alicia Keys at Miley Cyrus sa paparating na Season 11 ng TV show na The Voice.

Ito ang unang season ng singing reality show na magkaroon ng dalawang sabay na babaeng coaches.

Ayon kay Keys, ito ang kailangan ng The Voice patungkol sa pagkakaroon ng dalawang sabay na babaeng coaches sa programa.

Dagdag pa ni Keys na kanyang lubos na inaabanagan ang paggabay sa mga contestants na puno ng pangarap.

Ipinahayag naman ni Cyrus ang kanyang pagmamahal sa musika at ayon sa kanya ang pagtulong sa iba na bumuo ng musika at pag-produce dito ay ang kanyang ginagawa araw-araw.

Kasama nila na magsisilbing coach ng prograama ang bokalista ng Maroon 5 na si Adam Levine at ang country singer na si Blake Shelton.

Ayon kay Levine si MCyrus ay isang “youthful spirit” na wala sa programa habang sinabi naman ni Shelton na si Keys ay isang magaling na writer at producer ng music.

Kaugnay nito, hinimok ng The Voice coaches na magpadala ang mga netizen ng kanilang mga videos ng kanilang musika na maaring maipakikta sa Snapchat series ng naturang programa.

TAGS: Adam Levine, Alicia Keys, Blake Shelton, Miley Cyrus, the voice, Adam Levine, Alicia Keys, Blake Shelton, Miley Cyrus, the voice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.