Niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang Southern Atlantic Ocean na may epicenter 316 kilometers mula sa mga isla kung nasaan ang British Antarctic research stations ayon sa US Geological survey (USGS).
Wala namang itinaas na tsunami warning matapos ang naturang lindol.
Inulat ng USGS na nakapagtala sila ng hindi baba sa limang aftershocks.
Tumama ang lindol 5:32 am oras sa lugar na may lalim na 10 kilometers.
Ang sentro ng lindol ay naganapa sa silangan timog-silangan ng isalang sakop ng UK na South Georgia at South Sandwhich, na sa 1,000 kilometro silangan ng Falkand Islands.
Ang mga nasabing isla ay ang kinaroroonan ng dalawang British Antarctic Survey stations na may 32 researchers.
MOST READ
LATEST STORIES
