Konstruksyon ng Mindanao railway, sisimulan na sa susunod na taon
Magsisimula na ang konstruksyon ng propped na Mindanao railway sa susunod na taon habang wala apang plano sa pagbuo ng railway system sa Visayas.
Ayon kay Socioeconomic Undersecretary Rody Tungpalan na ang kanillang hinahanap sa Visayas ay ang muling pagbuhay sa Panay Island railways ang pagpapagaw ang tulay na siyang madudogtong sa mga isla sa rehiyon.
Dagdag pa ni Tungpalan na kasalukuyang pinatutunan ng pansin ang proposed railway project na hahatiin sa dalawang phases.
Sa unang bahagi ay ang Mindanao island line ang pangalawa naman ay magtutuloy-tuloy sa Zamboanga peninsula.
Pakay ng gobyerno na matapos na ang feasibility study, makakuha ng approval mula sa NEDA ngayong taon at magkaroon ng detelyadong engineering plan sa taong 2017 kung saan inaasahan na aabot ng limang taon ang konstruksyon.
Sinabi ni Tungpalan na ang unang segment ng proyekto ay magiging operational bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrgo Duterte habang ang ibang segments ay sabayang gagawin.
Giit pa niya na wala pang presyo ang nasabing proyekto at maaring maturing na pinaka iconic na programa ng administrasyon ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.