Guro na binihag ng Abu Sayyaf, pinalaya sa Sulu

sulu-map-1Pinalaya na ang isang gurong dinukot ng Abu Sayyaf Group sa Sulu matapos ang dalawang araw na pagkakabihag.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Spokesperson Major Felimon Tan ang bihag na si Arina Bongil, na guro sa Tuup Elementary School.

Ayon kay Tan, alas 2:30 ng hapon kahapon nang dalhin ni Patikul Sulu Mayor Kabir Elias Hayudini ang biktima sa mga kamag-anak nito sa Barangay Anuling, Patikul.

Nagtungo umano doon ang tropa ng Joint Task Force Sulu para makipagkita at isailalim si Bongil sa stress debriefing.

Dinukot si Bongil ng apat na armadong kalalakihan sa Barangay Kan Ague, Patikul noong August 16, 2016.

 

 

 

Read more...