De Lima: May ilang totoo sa sinabi ni Duterte

By Jan Escosio August 19, 2016 - 05:11 PM

Leila de Lima1Inamin ni Senator Leila de Lima na may bahid ng katotohanan ang ilan sa mga akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero malaking bahagi aniya ng akusasyon ay “distortions,” “exaggerations” at pawang kasinungalingan.

Gayunman, hindi sinabi ni De Lima sa mga mamamahayag kung anong bahagi ng mga sinabi ni Duterte ang totoo. “Ang nakikita ko kasi ngayon, parang hindi na alam ng tao alin ang totoo d’yan, alin ang hindi. Totoo ba ‘yan? Kasinungalingan ba ‘yan?” ayon kay De Lima.

Ani De Lima, kabilang sa mga kasinungalingan ay ang paratang na may kumukulekta ng drug money sa New Bilibid Prison (NBP) para sa kaniya.

Kailanman aniya ay hindi siya naging protektor ng drug lords at convicts.

Hindi rin umano siya tumanggap ng campaign contributions mula sa mga drug lords.

Itinanggi din ng senadora na mayroon siyang pag-aaring bahay sa Pangasinan o binilihan niya ng bahay bilang regalo ang driver niyang si Ronnie Dayan.

 

 

TAGS: leila de lima, leila de lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.