Anim patay sa aksidente sa Negros Occidental

July 22, 2015 - 01:26 PM

Photo courtesy of Melanie Demegillo
Photo courtesy of Melanie Demegillo

Anim ang patay habang hindi bababa sa 20 ang nasugatan nang magbanggaan ang dalawang bus sa kahabaan ng Monumento Highway sa Barangay Sto. Niño bayan ng Enrique B. Magalona sa Negros Occidental, alas 9:30, ngayong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Sr. Inspector Conrado Rances, hepe ng EB Magalona Police Station, ang mga sangkot na bus ay parehong Ceres Liner bus. Patungo ng Escalante City ang Ceres bus na may body number 5126 habang ang Ceres bus na may body number 5160 naman ay patungo sa Bacolod City.

Sinabi ni Rances na ang ilan sa mga pasahero ay naipit nang tumagilid ang dalawang bus matapos ang head on collision. Ang ibang pasahero ay tumalsik pa palabas at bumagsak sa kalsada.

Tinangka umano ng bus 5126 na mag-overtake sa isa pang sasakyan at nakasalubong na nito ang paparating na bus 5160.

Ayon kay Rances anim na linya ang highway kaya karaniwan na sa mga sasakyang dumaraan dito ang magpatakbo ng matulin.

Sa panayam naman kay Sr. Supt. Samuel Nacion, Provincial Director ng Negros Occidental, apat sa mga biktima ay dead on the spot habang ang dalawa ay nasawi habang ginagamot sa ospital. / Jan Escosio

TAGS: ceres bus, Enrique B. Magalona, Negros Occidental, ceres bus, Enrique B. Magalona, Negros Occidental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.