Bilibid inmate, handang magsalita kontra kay De Lima-Duterte

 

Inquirer file photo

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na tantanan ang isyu ng pakikipag-relasyon umano ni Sen. Leila de Lima sa kanyang driver.

Sa ambush interview sa pangulo sa 6th Infantry Division sa Camp Siongco sa Cotabato City, Maguindanao, sinabi nito na may isang taga- Bilibid ang nakahandang magsalita laban kay De Lima.

Hinimok pa ng pangulo ang mga kagawad ng media na magtungo sa Commission on Human Rights at Department of Justice, at busisiin kung totoo o hindi ang kanyang mga naging pahayag laban kay De Lima.

Bago nahalal na senador, nagsilbing chairperson ng CHR at naging kalihim ng Department of Justice si De Lima.

Nakatatawa ayon sa pangulo, dahil mistulang si De Lima lamang ang hindi nakalaam na lover niya ang kanyang driver gayung batid naman ito ng buong bansa.

Maari aniyang naging emosyonal si De Lima sa kanyang mga naging pahayag dahil may katotohanan na karelasyon niya ang kanyang driver.

Iginiit pa ng pangulo na bilang isang public official, open book aniya ang kanilang buhay sa mata ng publiko.

Naniniwala si Duterte na hindi siya lumagpas ng linya sa pagbanat kay De Lima.

Kung tutuusin ayon sa pangulo, mas masakit ang mga bintang ni De Lima dahil napapatay na nga ang mga pulis sa operasyon, ay napagbibintangan pa ang mga ito ng summary executions kahit walang kaakibat na matibay na ebidensya.

Read more...