Donasyon ni Ongpin na shares ng PhilWeb, tinanggihan ng PAGCOR

August 19, 2016 - 04:25 AM

 

PagcorTinanggihan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang donasyon ng negosyanteng si Roberto Ongpin ng kaniyang stake sa online gaming firm na PhilWeb Corp.

Kinumpirma mismo ni PAGCOR chair Andrea Domingo sa Philippine Daily Inquirer na hindi tinanggap ng kaniyang opisina ang alok ni Ongpin.

Paliwanag ni Domingo, ang isyu naman ay hindi tungkol sa pag-aari ni Ongpin sa Philweb, kundi ang mariing paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa online gambling.

Matatandaang nagdesisyon si Ongpin na i-donate na lamang sa PAGCOR ang 49 percent ng kaniyang stake sa PhilWeb, sa pag-asang masasalba nito ang kumpanya pati na ang libu-libong empleyado sa e-Games network sa buong bansa.

Hindi na rin kasi pinayagan ng PAGCOR na mag-renew o mag-extend ng lisensya ang kumpanya ni Ongpin na namamahala s operasyon ng e-Games.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.