Bangkay ng isang tunnel worker sa Quezon nailipad na sa Metro Manila

By Erwin Aquilon August 18, 2016 - 05:38 PM

Nailipad na mula sa Sumag River sakop ng Barangay Umiray, General Nakar, Quezon ang bangkay ng isa sa nasawing minero.

Ayon kay Lt. Col. Ramil Anoyo, commander ng 48th IB ng Philippine Army at tumatayong co-chairman ng binuong Crisis Management Team, dinala ng chopper ng CAVDEAL International sa Metro Manila ang mga bangkay.

Mula anya sa Pasay City ay dadalhin sa puneraria ang mga biktima kung saan nag-aabang ang kanilang pamilya.

Pasado alas-dose ng tanghali kanina nang inilipad ang bangkay ni Simeon Sig-od.

Naaagnas na at masangsang ang amoy ng mga bangkay dahil sa ilang araw din ito sa kabundukan ng Quezon.

Isinilid ang bangkay sa isang cadaver bag bago inilagay sa ginawang kahon.

Nagkakaroon naman ng problema ngayon ang Crisis Management Team dahil hindi na nakikipag-ugnayan sa mga ito ang CAVDEAL na siyang contractor ng ginagawang Umiray-Angat Transbasin Project ng MWSS.

Apat pa rin namang trabahador ng CAVDEAL ang patuloy na hinahanap sa lugar.

TAGS: cavdeal, mwss tunnel, nakar, cavdeal, mwss tunnel, nakar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.