Pinuno ng NCRPO magpapakitang-gilas pa kontra illegal drugs

By Ruel Perez August 18, 2016 - 05:02 PM

Albayalde
Inquirer file photo

Hindi masama ang loob ni National Capital Regional Police Office (NCRPO)  acting director C/Supt. Oscar Albayalde sa pahayag ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa na pasang awa lamang sa ngayon ang Metro Manila Police sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Sa text message mula kay Albayalde, sinabi nito na dodoblehin pa nila ang pagsisikap na malansag ang operasyon ng iligal na droga sa Metro Manila.

Paliwanag ni Albayalde mayroon lamang umano silang kailangang itama sa datos na hawak ngayon ng National Headquarters dahil hindi umano ito accurate at hindi  tumutugma sa accomplishment reports na taglay nila sa ngayon.

Sinabi kahapon ni dela Rosa na base sa isinagawa nilang command conference kamakalawa, may tatlong rehiyon sa bansa ang nakukulangan sila sa trabaho ng mga regional directors, kabilang dito ang Region 5, 6 at NCRPO

Ang pahayag ay sa kabila naman ng tumataas na bilang ng mga anti-illegal drugs operation ng PNP sa Metro Manila at patuloy na paglobo ng bilang ng mga napapatay na drug suspects na umanoy nanlaban sa mga otoridad.

TAGS: albayalde, dela rosa, NCRPO, albayalde, dela rosa, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.