Robredo kay Duterte: Respeto naman para kay De Lima

Duterte-Robredo
Inquirer file photo

Hindi nagustuhan ni Vice President Leni Robredo ang ginawang pagbanat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Leila de Lima na inakusahan nitong may driver na lover at nangongolekta pa ng drug money.

Sinabi ni Robredo na ikinalulungkot nya na kailangang mauwi sa personalan ang laban ng dalawang opisyal.

Puwede naman umano na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa sa iba’t ibang isyu pero pairalin ang respetuhan sa isa’t isa.

Ayon pa kay Robredo, silang mga opisyal ng gobyerno ay dapat na maging inspirasyon para mailabas ang kabutihan sa bawat Filipino.

Kapag masyadong mababa umano ang uri ng diskurso ay baka masama ang mailabas na mensahe sa publiko.

Binigyang diin pa ng pangalawang pangulo na hindi maganda ang nangyayaring personalan sa pagitan nina Duterte at De Lima.

Read more...