“Health TV Embassy” mapapanood na sa Inquirer 990 TV simula sa Sabado

HEALTH TV EMBASSYKung ikaw ay interesado sa health at wellness, siguradong gusto mo rin ang mga kwentong mahalaga sa iyong kapakanan, mga impormasyon tungkol sa maayos at makabuluhang pamumuhay at iba pang istorya at balita tungkol sa healthy lifestyle.

Mapapanood at mapapakinggan na ang bagong programa na may temang health and wellness.

Ang “Health TV Embassy: na aabangan sa Radyo Inquirer 990 at sa Inquirer 990 TV ang bagong aantabayanang programa ng mga naghahanap ng makabubuti sa kanilang pagkatao at kalusugan.

Kasama ang health advocate at veteran journalist na si Ms. Aida Gonzales bilang host, at ang wellness diplomat and integrative doctor na si Dra. Delia Maceda at ang Health TV correspondent at rising Korean star na ri Ki Gong bilang co-hosts.

Ang “Health TV Embassy” ay magtatalakay din ng iba’t ibang paksa ng health and wellness sa tulong ng mga medical experts, specialists, wellness guru at business leaders.

Nakatuon ang TV show sa mga bagong health and wellness trends sa loob at labas ng bansa.

Bukod dito, ang manonood ay imumulat sa positibong buhay, tuturuang maging malusog, bibigyang kakayahan na magkaroon ng tiwala sa sarili at matututong umiwas sa mga sakit at negative energy.

Sa paglitaw ng mga lifestyle disease, naging maalam na din ang mga Pilipino sa kalusugan at kung paano uunawain ang helth and wellness.

Hindi lamang ito iniuugnay sa physical wellness, ito ay kombinasyon ng spiritual, emotional at social aspects.

Ang “Health TV Embassy” ay mapapanood simula sa Agosto 20, 2016 mula alas 10:00 hanggang alas 11:00 ng umaga sa Inquirer 990 TV sa digiboxes, sa live streaming www.radyo.inquirer.net at sa Radyo Inquirer Mobile App.

 

Read more...