899 deaths, mula July 1, iniimbestigahan ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo August 18, 2016 - 12:24 PM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Iniimbestigahan ng Philippine National Police ang pagkasawi ng 899 na katao simula noong July 1.

Sa kaniyang pagharap sa hearing sa senado, sinabi ni PNP chief, director general Ronald Dela Rosa na mula July 1 hanggang August 15, umabot na sa 899 deaths ang ngayon ay sinisiyasat ng pambansang pulisya.

Kabilang dito ang mga natatagpuan na biktima ng summary execution.

Ayon kay Dela Rosa, hindi agad masasabi na “vigilante killings” ang nasabing bilang kasabay ng pagtitiyak sa senado na sinsiyasat nila ang mga ito.

Ang 899 na bilang ng mga natagpuang patay, mula July 1 hanggang August 15 ay bukod pa sa bilang naman ng mga napapatay sa lehitimong anti-illegal drugs operations ng PNP.

Ani Dela Rosa, sa datos ng PNP, ngayong August 18, 2016, umabot na sa 665 na drug suspects ang nasawi sa legitimate police operations.

 

 

TAGS: summary executions, summary executions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.