Sa kaniyang inihaing resolusyon, nais ni QC Councilor Allan Butch Francisco na i-ban ang laro at patigilin din ang developer nito na Niantic Inc., na maglakag ng Pokestops o gawing lure spots ang nabanggit na public places.
Ayon kay Francisco, layon ng resolusyon na maiwasan ang mga aksidente na maaring maidulot ng paglalaro ng Pokemon Go.
Sakaling maaprubahan ang resolusyon ni Francisco, magpapadala ang city council ng kopya nito kay Niantic Inc. Chief Executive John Hanke para maipatupad nila ang kinakailangang adjustments.
Ayon kay Francisco, maging sa Estados Unidos ay tinututulan ang paglalagay ng Pokestops sa mga historical sites gaya na lamang ng Holocaust Memorial Museum at Arlington National Cemetery.
Maging ang pamunuan ng Auschwitz Birkenau State Museum sa Poland ay umapela din sa Niantic na huwag lagyan ng Pokemon characters ang death camp.
Magugunitang sa Mandaue City, nagpasa na rin ng resolusyon na nagbibigay babala naman sa mga motorista at pedestrians sa paglalaro ng Pokemon Go habang nasa lansangan.