Ekonomiya ng bansa, lumago pa sa 7% ngayong 2nd quarter ng 2016
Lumago pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa 7 percent sa ikalawang quarter ng taong 2016.
Ito na ang pinakamabilis na paglago na naitala sa loob ng mahigit dalawang taon ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon kay National Economic and Development Authority(NEDA) Director General Ernesto Pernia, ang 7% growth rate sa gross domestic product (GDP) ng bansa para sa second quarter ay magandang simula para sa administrasyong Duterte.
Pasok na pasok din aniya ito sa target na 6 to 7 percent growth rate ng pamahalaan ngayong taon.
Ayon kay Pernia, malaki ang naiambag ng stable na ekonomiya na iniwan ng nakaraang administrasyon.
Sa kabila nito, aminado si Pernia na magsisilbing hamon pa rin sa administrasyon ang mataas na poverty rate,
Target ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na mula sa kasalukuyang 25% ay maibaba sa 16% na lamang ang poverty incidence sa taong 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.