Aminado ang Department of Labor and Employment (DOLE) na may kakulangan talaga sa parusa para sa mga nagpapatupad ng “endo” o end-of-contract hiring, pati na rin ng mga mekanismo upang matukoy ang mga ito.
Dahil dito, nangako ang kagawaran na makikipagtulungan sa Kongreso upang mapunan ang mga pagkukulang sa mga batas at patakarang masyadong maluwag sa mga ganitong aktibidad.
Sa isang pulong kasama ang Senate committee on labor, employment and human resources development, naglabas ng mga balangkas ang DOLE bilang inisyatiba para maresolbahan ang problemang ito.
Ayon kay Labor Undersecretary Joji Aragon, walang sapat na mekanismo para ma-detect ang mga red flags kaugnay nito.
Para naman kay Sen. Franklin Drilon na minsan nang naging labor secretary, masyadong mahina ang mga patakaran kaugnay sa kontraktwalisasyon.
Giit naman ni Bureau of Labor Relations, kailangang higpitan at patibayin ang mga parusa sa mga nagpapatupad ng endo dahil karaniwan sa mga nahuhuli kaugnay nito ay nakakalusot lang nang wala man lang kaso.
Matatandaang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Secretary Sivestre Bello III na supilin na ang malawakang pag-iral ng ‘endo’.
Kaya naman habang hinihintay pa ang pagpapatupad ng mga mas mahihigpit na batas kontra endo, sinabi ni Benavidez na mayroong isinusulong na “three-pronged campaign” ang DOLE para masawata na ang problemang ito.
Ito ay sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral nang patakaran kaugnay nito, at pagsisiyasat sa mga ito.