Framework ng code of conduct sa pagitan ng China at ASEAN, handa na sa 2017
Target ng China at ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN na matapos na sa kalagitnaan ng 2017 ang isang code of conduct na papawi sa tensyon sa South China Sea.
Mula pa noong 2010, bumubuo na ang China at ang 10 miyembro ng ASEAN ng set of rules para maiwasan ang initan sa mga nagkaka-agawan sa South China Sea.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay nag-desisyon ang arbitration court sa The Hague na walang legal na basehan ang pag-angkin ng China sa buong South China Sea, at na nilabag nito ang sovereign rights ng Pilipinas sa teritoryo.
Bagaman ikinagalit ito ng China at iginiit nilang hindi nila susundin ang nasabing ruling, bukas naman ito sa paggamit ng diplomasya para maayos ang alitan.
Ayon sa China Daily, sa pagkikita ng magkabilang panig sa northeastern China, nagkasundo ang China at ASEAN na kailangang matapos na ang framework ng code of conduct pagdating ng mid-2017.
Bukod dito, dapat ay magkaroon na rin ng aprubadong mga panuntunan sa paggamit ng China-ASEAN hotline sa tuwing may maritime emergencies.
Nagkasundo rin ang Beijing at ang ASEAN na sakop ng pact on unplanned maritimeencounters na pinirmahan ng mga bansa sa rehiyon noong 2014 ang South China Sea.
Ayon pa kay Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhemin, ang mga dokumento para sa hotline at unplanned encounters ay ipi-presenta para sa final approval sa mga pinuno sa susunod na buwan.
Magkakaroon kasi ng panibagong pagpupulong ang China at mga ASEAN members sa Laos sa susunod na buwan, at ito na ang ikatlong pulong para sa code of conduct ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.