49% shares ni Ongpin sa PhilWeb, ido-donate na lang sa PAGCOR

By Kabie Aenlle August 18, 2016 - 04:19 AM

 

Inquirer file photo

Kinansela na ng negosyanteng si Roberto Ongpin ang pag-benta niya sa kaniyang shares sa kumpanyang PhilWeb Corporation na dati niyang pinamumunuan.

Sa halip kasi na ibenta, nagdesisyon si Ongpin na i-donate na lamang ang malaking bahagi ng shares niya sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para maisalba rin ang kumpanya.

Sinabi ni Ongpin na pagdating ng tanghali kahapon, limang bids na ang natanggap niya para sa 53.76 percent stake niya sa PhilWeb.

Gayunman, dahil sa mga ulat aniya na nagsasabing wala nang pag-asang ma-renew ang lisensya ng PhilWeb, hindi naman na aniya patas para sa mga bidders na ibenta pa rin sa mga ito ang kaniyang shares.

Dahil dito, ibibigay na lamang niya ang 49 percent ng kaniyang shares sa PAGCOR.

Paliwanag niya, 49 percent lang ang ibibigay niya upang hindi matukoy ang PhilWeb bilang isang government-owned and controlled corporation.

Ayon naman sa PAGCOR, sisiyasatin muna nila ito at hihingi pa sila ng payo mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.