P1 taas sa pasahe sa jeep tuwing rush hour, idinulog sa LTFRB

By Kabie Aenlle August 18, 2016 - 04:19 AM

 

Inquirer file photo

Dumulog sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang transportation group para itaas ng P1 ang pamasahe sa jeep sa Metro Manila tuwing rush shour.

Ayon kay Vigor Mendoza, pinuno ng Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon, hiniling nila na taasan ng piso ang pamasahe tuwing 5:00 hanggang 8:00 ng umaga, at 4:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Aniya, mas tumataas kasi ang konsumo ng mga public utility jeep sa krudo at maintenance tuwing rush hour.

Tuwing rush hour kasi sa Metro Manila, sukdulan ang trapik na nararanasan ng mga motorista at napakarami ring pasahero na sumasakay sa mga pampublikong transportasyon.

Pero nilinaw naman ni Mendoza na ang hinihingi lang nilang taas pasahe ay para lang sa basic fare.

Isinunod ng grupo ang kanilang petisyon sa fare scheme ng mga transport network vehicles tulad ng Uber at Grab na pinayagan ng LTFRB na magtaas ng pasahe tuwing rush hour at hindi magandang lagay ng panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.