Pinay, dinakip sa Kuwait dahil sa koneksyon umano sa ISIS

By Jay Dones August 18, 2016 - 04:24 AM

 

Inquirer.net/KUNA

Inilatahala ng Kuwait News Agency ang larawan ng isang Pilipina na inaresto ng Kuwaiti police dahil sa koneksyon umano nito sa Islamic State o ISIS at pagbabanta ng terror attack sa naturang bansa.

Ayon sa Kuwait News Agency (KUNA), nakapasok umano ng kanilang bansa ang  Pinay sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang housemaid.

Gayunman, lumitaw sa intelligence report na umanib umano ang hindi pinangalanang Pilipina sa ISIS sa pamamagitan ng paksyon nito sa Libya.

Nang kuwestyunin, sinabi umano ng suspek na Pinay na naghahanda itong maglunsad ng terror attack sa Kuwait anumang oras bagoito madakip.

Ilang e-mail message din umano ang narekober sa Pinay na nagpapatunay ng pakikipag-ugnayan nito sa ISIS sa Libya.

Inaresto ang Pinay ng mga Kuwaiti authorities noong August 5.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.