Dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbabaha na kaakibat nito, nag-desisyon na ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa Pangasinan na isailalim na ang lungsod sa state of calamity.
Inaprubahan na ng Sangguniang Panglungsod ang resolusyong ito matapos malubog sa baha ang ilang mga barangay, dahilan para ilikas ang mahigit 200 na residente.
Kasabay nito ay inaprubahan rin nila ang resolusyon na hindi muna papatawan ng multa ang mga residente at establisyimentong mahuhuli sa pagbabayad ng amilyar, kung sila ay apektado ng baha.
Tiniyak naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Council na hindi sasagarin ang paggamit sa calamity fund bilang paghahanda rin sa mga susunod pang kalamidad.
MOST READ
LATEST STORIES