Sa inilabas na pahayag ng RX, sinabi nilang ikinagulat nila ang mga nangyari.
Ayon pa sa kanila, hindi nila nakitaan si Bordador ng anumang indikasyon na ito ay gumagamit ng anumang ipinagbabawal na gamot.
Kaugnay pa nito, iginiit ng nasabing FM radio station na kinokondena nila ang paggamit ng iligal na droga at hindi nila kinukunsinte ang ganitong iligal na aktibidad.
Pero ngayong sinampahan na ng kaso si Bordador, naniniwala ang kumpanya na mailalabas rin ng imbestigasyon ang katotohanan sa isyu.
Samantala, nagpasalamat naman sila sa kanilang mga tagapakinig sa loob ng nakalipas na ilang dekada at tiniyak nilang iingatan nila ang tiwalang ibinigay sa kanila ng mga ito.