8 pang NDFP consultants, nakalaya na rin

 

Mula sa Karapatan.org

Pansamantalang pinalaya sa bisa ng pyansa ang walong consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para makasama sa peace talks sa Oslo, Norway.

Tinukoy ng legal counsel ng grupo na si Atty. Edre Olalia ang mga consultants na sina Ernesto Lorenzo, Tirso Alcantara, Concha Araneta Bocala, Winona Birondo, Alex Birondo, Alfredo Mapano, Alan Jazmines at Renante Gamara.

Bukod sa kanilang walo, tatlong consultants pa ang pinalaya na rin noong mga nakaraang araw, at nakatakda silang lumipad patungong Norway sa Biyernes.

Samantala, bagaman napayagan naman nang mag-pyansa, hindi pa rin nakakalabas ang mag-asawang pinuno ng Communist Party of the Philippines na sina Benito at Wilma Tiamzon dahil may mga papeles pang inaasikaso hanggang ngayon.

Kabuuang 22 na mga consultants ng NDFP ang nakatakdang maging kasapi ng peace talks sa pagitan ng rebeldeng grupo at ng pamahalaan na magsisimula na sa susunod na linggo.

Read more...