Hidilyn Diaz, pinarangalan sa Senado

By Jan Escosio August 17, 2016 - 11:37 PM

 

Inquirer Photo/Teddyvic Melendres
Inquirer Photo/Teddyvic Melendres

Sa pinag isang mga resolusyon ng ilang senador, pinarangalan ng Senado si Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Filipina na nakasungkit ng Olympic medal.

Bago ito, ilang senador ang tumayo at nagbigay ng kani-kanilang mensahe ng papuri at pasasalamat kay Diaz na personal na dumalo sa sesyon sa Senado kasama si Philippine Sports Commissiom chairman Butch Ramirez.

Sa pagtayo ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon, hiniling nito kay Senate President Koko Pimentel na bigyan ng karagdagang cash incentive si Diaz at ang pera ay huhugutin sa Senate’s savings.

Kasunod nito hiniling din ni Drilon kay Pacquiao na kung maaari ay magbigay din ng cash incentive si Diaz.

Agad naman sumang ayon si Pacquiao ngunit aniya hindi na kailangan pang isapubliko ang halaga ng kanyang ibibigay.

Matapos nito, sa maigsing panayam kay Diaz, pinayuhan nito ang mga kabataan na nangangarap na sumunod sa kanyang yapak na huwag na huwag susuko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.