Foul at character assasination sagot ni De Lima sa patama ni Pangulong Duterte

de limaAyaw na lang patulan pa ni Sen. Leila de Lima ang mga patama sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga pulis sa Camp Crame.

Ngunit sinabi ni De Lima na foul at character assasination ang ginawa sa kanya ng pangulo.

Aniya sana hindi na lang ginawa ni Duterte ang patama sa kanya sa katuwiran na pareho naman silang mga halal na lingkod bayan at propesyunal.

Kinuwestiyon din ni De Lima ang timing ng mga patama na lover niya ang kanyang bodyguard at nakinabang ito sa drug money mula sa bilibid.

Sinabi ng senadora na hindi niya alam ang agenda ng pangulo sa paninirang ginagawa sa kanya.

Samantala, sa darating na Lunes ay itinakda ang pag-iimbestiga ng Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni De Lima sa mga sinasabing drug related and vigilante killings.

Read more...