No Plate, No Car at iba pang polisiya laban sa problema sa trapiko, pina-iimplementa sa Duterte administration
Kinalampag na ni House Minority Leader Danilo Suarez ang Duterte administration na magpatupad ng mga mabibigat na polisiya upang masolusyunan na ang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Ani Suarez, nakikita naman niya ang simula ng fulfillment ng mga campaign promise ni Presidente Rodrigo Duterte, pero dapat pa rin umanong mapansin ang traffic congestion.
Kabilang sa mga isinusulong ni Suarez ay ang mga polisiyang “No Plate, No Car”; “No Income Tax Return, No Car Policy”; at “No Garage, No Car.”
Giit pa ni Suarez, kailangan nang i-phase out ang mga sasakyan na tatlumpu’t limang taon nang ginagamit, habang higpitan naman ang regulasyon sa mga bus at truk.
Dagdag ng Minority Leader, dapat nang magamit ang mga secondary road upang mapaluwag na ang mga major thoroughfare.
Sinabi rin nitp na kailangan masiguro na wala nang makagaraheng mga sasakyan sa secondary roads upang maayos ito madaanan ng mga motorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.