Duterte, pinangunahan ang pagdiriwang ng Ika-115 anibersaryo ng PNP Police Service sa Camp Crame
Pasado alas dos y media ng hapon nang mag-umpisa ang paggunita sa ika-isandaan at labing limang anibersaryo ng Police Service sa Kampo Crame.
Bago ang seremonya, ginawaran muna ng arrival honors ng Philippine National Police si Chief Director Ronald “Bato” dela Rosa at si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa temang ‘Hamon ng Pagbabago, Pinag-ibayong Serbisyo’, ipinagdiriwang ang Police Service tuwing ika-17 ng Agosto bilang paggunita rin sa founding anniversary ng Insular Constabulary na nabuo noong 1901 at ang Integrated National Police na na-organisa noong 1975.
Ginawaran ni Pangulong Duterte ng Medalya ng Kasanayan at achievement award bilang Best Senior Police Commissioned Officer for Operations sina Police Senior Supt. Valeriano de Leon ng PRO-11 at Police Senior Supt. Reynald Arino ng Special Action Force.
Kasama ang lima pang mga pulis na sina Police Insp. Lito Pirote ng Anti Illegal Drugs Group, SP01 Mhay Rubio at PO2 Jonathan Robles ng PRO-3, gayundin ang non-commissioned personnel na sina Rosana Tupaz ng PRO-6 at Mary Jeanne Nadres ng Directorate for Plans sa mga ginawaran ng pangulo.
Labing apat na mga units naman ang nakatanggap ng pagkilala mula kay Pangulong Duterte habang may special awards naman na natanggap ang anim na mga units ng PNP.
Samantala, sa kanyang pagsasalita ipinagmalaki ni Bato ang mga naging accomplishments ng PNP sa kampanya laban sa droga
Mula July 1 hanggang August 11, umabot na sa 306,991 na mga bahay ang kanilang nabisita habang 518,310 drug users at 45,799 drug pushers ang sumuko na.
Aabot naman sa 7,830 ang naaresto drug personalities at 572 ang napapatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.