Pagbabayad ng buwis ng water concessionaires, ipinanukala sa Kongreso

Water concessionairesIkinakasa ng House Minority ang panukala para patawan ng dagdag na buwis ang Maynilad at Manila Water sa tubig na isinusuplay sa mga konsumer.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, sa ngayon ay libre ang nakukuhang tubig ng Maynilad at Manila Water sa water sources ng mga ito.

Pero sa matagal na panahon ay ang mga water consumer at may binabayarang VAT sa tubig, na otomatikong nakasaad sa water bill.

Sinabi ni Suarez na maghahain siya ng House Bill para buwisan na ang nakukuhang suplay ng water concessionaires sa water source.

Hindi naman tinukoy ni Suarez kung magkano ang ipapanukala niyang buwis na papasanin ng Maynilad at Manila Water, pero ang tiyak ay malaki ang kikitain dito ng pamahalaan.

Siniguro rin ni Suarez na walang pass-on provision ang naturang buwis, ibig sabihin ay walang ipapasa ang mga kumpanya ng tubig sa mga water consumer.

Sinabi pa ng Minority leader na paaamyendahan niya ang charter ng MWSS upang hindi na ito umasa sa Maynilad at Manila Water para sa pondong pangtustos sa operasyon at pang-sweldo sa mga opisyal at tauhan.

Read more...