Biyahe ng LRT line 1, nagka-aberya

Kuha ni Christoper Diocado
Kuha ni Christoper Diocado

Nakaranas ng aberya sa biyahe ng Light Rail Transit 1.

Sa abiso ng pamunuan ng LRT-1, dakong alas 12:30 ng tanghali, walang biyahe mula Central station hanggang Roosevelt station at pabalik.

Tanging Central to Baclaran station lamang at pabalik ang gumagana dahil sa umano ay problema sa power supply.

Mayroon umanong nag-spark na kuryente sa hindi pa tinukoy na istasyon na siyang naging dahilan ng aberya.

Dahil sa aberya, napilitan ang mga pasahero na bumaba sa Central Station at maghanap na lamang ng masasakyan patungo sa kanilang destinasyon.

 

 

 

Read more...