Indonesian national na bihag ng Abu Sayyaf, nakatakas
Nakaligtas mula sa pagkakabihag ang isang Indonesian national mula sa kamay ng Abu Sayyaf Group, sa Sulu.
Kinilala ang biktima na si Mohammad Sayfan, 28 anyos na nakita ng mga residente na na-trap sa mga fishnet sa baybaying dagat na sakop ng Barangay Bual, Luuk, Sulu.
Natagpuan si Sayfan, alas 7:30 ng umaga kanina.
Sa report na natanggap ng AFP Western Mindanao Command, idineklara na umano ng ASG na pupugutan nila ng ulo si Safyan kaya nagpumilit itong gumawa ng paraan para makatakas mula sa mga bakawan sa area ng Barangays Bual at Bayo Itum sa Luuk, Sulu.
Si Sayfan ay isa sa anim na tripulante na sakay ng Tugboat Charles na dinukot ng mga bandido sa border ng Pilipinas at Malaysia noong June 23.
Ayon kay AFP Wesmincom Spokesman Maj. Felimon Tan, dadalhin si Sayfan sa Sulu Provincial Police Office para maisailalim sa kaukulang proseso bago ito ibalik sa kaniyang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.